Pagsuporta sa mga Bagong Miyembro na Manatili sa Landas ng Tipan

“Ang ating sagradong tungkulin ay malugod na tanggapin ang mga bago at nagbabalik na miyembro. Habang pinabibilis ng Panginoon ang Kanyang gawain, dapat nating mahalin, pangalagaan, at paglingkuran ang mga tumatanggap ng Kanyang ebanghelyo.”—Elder Quentin L. Cook, “Pinabibilis ng Panginoon ang Kanyang Gawain

4 na Hakbang para sa mga Bagong Miyembro Pagkatapos ng Binyag

Ang pagsasagawa ng apat na hakbang na ito sa unang linggo pagkatapos ng binyag ay nagpapasimula ng landas sa pagbubuklod ng pamilya sa kawalang-hanggan sa pamamagitan ng mga ordenansa at tipan sa templo.

1

Ang bagong miyemrbo ay dapat makumpirma na miyembro ng Simbahan.

2

Ang bagong miyemrbo ay dapat makatanggap ng temple recommend para sa mga proxy na binyag. Kung lalaki, dapat muna siyang maorden sa Aaronic Priesthood.

3

Ginagamit ng mga lider ang Family Name Assist para matulungan ang mga miyembro na magdala ng isang pangalan ng kapamilya* sa bahay ng Panginoon.

4

Dapat anyayahan ang bagong miyembro na sumamba sa bahay ng Panginoon kasama ang mga kaibigan sa ward, kung maaari.

*Simulan sa isang kilalang yumaong kapamilya para hindi na kailangang magsaliksik o ng karagdagang teknolohiya.

Mga Paraan na Patuloy na Mag-minister

Ipinakikilala ng mga lider ang bagong miyembro sa temple and family history consultant.

Tutulungan ng mga temple and family history consultant ang bagong miyembro sa paglalagay sa FamilySearch ng impormasyong nalalaman na nila, na hahantong sa mga bagong oportunidad sa templo sa Mga Ordenansang Handa nang Isagawa.

Tulungan ang bagong miyembro na patuloy na regular na magpunta sa bahay ng Panginoon, hangga’t maaari, para sambahin ang Diyos at magsagawa ng mga ordenansa para sa kanilang mga ninuno.

Family Name Assist para sa mga Bagong Miyembro

Gamitin ang simpleng tool na ito na gagabay sa paghahanda at pagpi-print ng mga family name card para sa mga binyag at kumpirmasyon sa templo.

Magsimula

Pag-minister sa mga Bagong Binyag na Miyembro

Makipagkita sa bagong binyag na pamilya na pupunta sa templo para magsagawa ng mga binyag para sa kanilang mga yumaong kapamilya.

Panoorin Ngayon