Bilang isang lider ng Simbahan, tinutulungan mo ang mga indibidwal at mga pamilya na makahanap ng kapayapaan at lakas kay Jesucristo habang sila ay sumasamba sa templo at naglilingkod sa kanilang mga ninuno.

(Pangkalahatang Hanbuk 25.2)

Palaging magsimula sa Tagapagligtas

Kapag inaanyayahan mo ang mga miyembro na sumamba sa bahay ng Panginoon at magsagawa ng mga ordenansa para sa mga ninuno, magsimula sa Tagapagligtas. Ibahagi kung paanong ang mga tipan at ordenansa ng templo ay nagbibigkis sa atin sa Tagapagligtas, nagbibigay sa atin ng gabay at kapanatagan, at nagbibigay sa atin ng lakas mula sa Kanyang proteksiyon at kapangyarihan. Alamin ang Iba pa

[Sa dispensasyon] ng kaganapan ng panahon, [ay titipunin] ang lahat ng mga bagay kay Cristo, ang mga bagay na nasa sangkalangitan, at ang mga bagay na nasa ibabaw ng lupa.

Efeso 1:10

Magsimula sa Tagapagligtas gamit ang Mga Ordenansang Handa nang Isagawa

Tulungan ang mga miyembro na gamitin ang Mga Ordenansang Handa nang Isagawa—ang pinakamadaling paraan para mailapit ang lahat ng miyembro sa Tagapagligtas sa pamamagitan ng matagumpay na paghahanap ng mga pangalan ng kapamilya na nangangailangan ng mga nakapagliligtas na ordenansa ng templo. Alamin ang Iba pa

Magsimula sa Tagapagligtas gamit ang Mga Ordenansang Handa nang Isagawa

Magsimula sa Tagapagligtas sa pamamagitan ng pagdaragdag ng kung anong alam mo na

Hikayatin ang lahat ng miyembro na idagdag sa kanilang family tree ang mga alam na nila—mga pangalan, retrato, kaganapan sa buhay, kuwento, at iba pang mga alaala ng mga mahal sa buhay na maaaring mailapit sa Tagapagligtas.

Ang mga lider na tinutulungan ang mga bagong miyembro at mga kabataan na maghanda para sa kanilang unang binyag at kumpirmasyon sa templo ay magagamit angFamily Name Assist.

Mga Resource na Maaaring I-download

VideoVideo ng Mga Ipinangakong Pagpapala

Ang makabagong mga Apostol, kabilang sina Elder David A. Bednar, Quentin L. Cook, Neil L. Andersen, at Dale G. Renlund, ay nangako ng maraming dakilang mga pagpapala sa mga taong nakikibahagi sa family history at paglilingkod sa templo.

I-download

Alamin ang Iba pa

Pangulong Russell M. Nelson
“Ang mga templo ay mahalagang bahagi ng Pagpapanumbalik ng ebanghelyo ni Jesucristo sa kabuuan nito. Pinupuno ng mga ordenansa ng templo ang ating buhay ng kapangyarihan at lakas na hindi makukuha sa ibang paraan.”

Pangulong Russell M. Nelson, COVID-19 at mga Templo

1 ng 3