Sana ay matuwa ka sa paggamit ng Cemeteries Search. Tandaan lamang na ang feature na ito ay isang eksperimento at limitado lamang ang suporta para dito.

Paghahanap ng mga Sementeryo

Ang FamilySearch ay may lumalaking database ng mga international cemetery na naka-link sa pinakamalaking online family tree sa buong mundo. Maghanap ayon sa lokasyon o pangalan ng sementeryo upang mahanap ang puntod ng mga yumaong kapamilya o iba pang mga tao na interesado ka.

Pagbisita sa mga sementeryo

Ang sementeryo ay isang lugar ng pagpipitagan at pag-alaala, isang lugar upang magbigay-galang sa mga pumanaw at kilalanin ang impluwensya nila sa ating buhay. Ang mga lugar na pinaglibingan, mga lugar para sa cremation, at iba pang memorial ay nagbibigay ng pagkakataon sa atin na malaman pa ang tungkol sa ating mga ninuno at ang kanilang mga kuwento.

Paano gamitin ang website na ito

Maghanap o mag-browse para mahanap ang sementeryo na gusto mong tingnan. Sa bawat pahina ng sementeryo, maaari mong hanapin ang iyong mga ninuno o ang iba pang mga tao na maaaring inilibing o inihimlay roon. Makakakita ka rin ng pangkalahatang impormasyon tungkol sa sementeryo, tulad ng mga oras at address, pati na rin mga link sa cemetery home page para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga serbisyong iniaalok nila.

Pinaka-hinahanap na mga Sementeryo sa United States

Pinaka-hinahanap na mga Sementeryo sa Canada