Mga Tuntunin sa Paggamit ng FamilySearch

Na-update 2023-09-01

May mga lokal na pagkakaiba kung saan hinihingi ito ng batas

Sa paggamit ng site na ito, sumasang-ayon ka sa mga kundisyong itinakda sa ibaba (itong “Kasunduan”). Kung hindi ka sang-ayon sa anuman sa mga kundisyon ng Kasunduang ito, huwag gamitin ang site na ito. Nasa amin ang karapatang baguhin ang Kasunduang ito anumang oras, kaya mangyaring tingnan ang mga pagbabago sa Kasunduang ito tuwing gagamitin mo ang site. Ang patuloy mong paggamit ng site na ito matapos magawa ang mga pagbabago sa Kasunduang ito ay nangangahulugan na tinatanggap mo ang mga pagbabagong iyon.

Mga Lisensya at Restriksyon

Ang site na ito, na inilaan para sa family history at genealogical research, ay pinamamahalaan ng FamilySearch International, isang nonprofit corporation sa Utah na ang mga pangunahing opisina ay nasa Salt Lake City, Utah, U.S.A. (na tatawagin dito na “FamilySearch”, “kami”, “namin,” “amin” o isang katulad na kataga), isang nonprofit organization na may kaugnayan sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw (“Simbahan”). Lahat ng materyal na matatagpuan sa site na ito (pati na mga visual, text, icon, display, database, media, produkto, serbisyo, at impormasyon) ay pag-aari o lisensyado sa amin.   

Maliban kung iba ang nakasaad, maaari mong tingnan, i-download, at i-print ang mga materyal mula sa site na ito para lamang sa iyong personal at di-pangkomersyal na paggamit, o para gamitin mo bilang volunteer indexer kaugnay ng FamilySearch Indexing Program alinsunod sa FamilySearch Indexing Program Terms and Conditions o FamilySearch Indexing Software License Agreement.

Hindi mo maaaring i-post ang nilalaman ng site na ito sa ibang website o sa ibang computer network nang walang pahintulot namin. Hindi mo maaaring i-transmit o ipamahagi ang nilalaman ng site na ito sa ibang mga site. Hindi mo maaaring gamitin ang site na ito o ang impormasyong matatagpuan sa site na ito (pati na ang mga pangalan at tirahan ng mga nagsumite ng impormasyon) para magbenta o magtaguyod ng mga produkto o serbisyo, mangalap ng mga kliyente, o anumang iba pang layuning komersyal.

Maaaring gamitin ng mga propesyonal na genealogist ang site na ito, ang aming mga mobile app, o ang FamilySearch center resources para sa pagsasaliksik ng impormasyon at para magbigay ng mga dokumento sa isang kliyente para sa personal at di-pangkomersyal na paggamit ng kliyente. Gayunman, ang mga propesyonal na genealogist ay hindi maaaring kumuha ng mga kliyente, ipaalam ang kanilang serbisyo, o tumanggap ng bayad sa site na ito o sa loob ng aming mga ari-arian.

Dagdag pa rito, maaaring kopyahin ng mga media personnel ang mga materyal mula sa site na ito para gamitin sa mga tradisyonal na pampublikong talakayan ng mga balita maliban kung iba ang nakasaad. Anumang iba pang paggamit ng impormasyon o mga materyal na matatagpuan sa site na ito, kabilang na ang anumang paggamit ng mga organisasyon o legal na entidad, ay hindi pinahihintulutan nang walang naunang nakasulat na pahintulot mula sa amin. (Tingnan sa “Pahintulot na Gamitin ang mga Karapatang-sipi at Trademark” sa ibaba.)

Sa kabila ng mga naunang nabanggit, inilaan namin sa aming sarili ang tanging pagpapasiya at karapatang itatwa, bawiin, o limitahan ang paggamit ng site na ito, kabilang na ang pagkopya at anumang iba pang paggamit ng anumang materyal na makukuha sa site na ito. Gayunman, hindi namin responsibilidad na alamin kung ano ang kahulugan ng “makatarungang paggamit” para sa mga taong nais gumamit ng aming mga materyal mula sa site na ito. Iyan ay nananatiling responsibilidad ng bawat user ng site na ito. Bukod pa rito, hindi namin kailangang magbigay ng karagdagang mga source citation, o garantiyahan na ang mga materyal ay maaaring gamitin sa iba’t ibang paraan. Ang gayong responsibilidad ay nananatili rin sa bawat user ng site na ito. Gayunman, pinaninindigan namin ang karapatang hadlangan ang infringement sa aming mga materyal at bigyang-kahulugan ang “fair use” ayon sa pagkaintindi namin sa batas.

Ang site na ito ay hindi nilayong gamitin sa Russian Federation at, samakatwid, ay hindi dapat i-access sa loob ng Russian Federation.

Pahintulot na Gamitin ang mga Copyright at Trademark

Para humingi ng pahintulot na gamitin ang mga materyal na may copyright o trademark namin o ng aming mga kaugnay na organisasyon, puntahan lamang ang link na ito:

Humiling ng Pahintulot

Paalala: Ang tinatayang time frame para sa pagtanggap ng sagot ay 45 araw. Ang mga kahilingang kinabibilangan ng napakaraming materyal ay maaaring mas magtagal pa.

Iba pang mga Kahilingan

Ang iba pang uri ng mga kahilingan ay maaaring isumite sa isa sa mga site na ito.

Mga Obligasyon sa Pagrerehisto

Bilang konsiderasyon sa paggamit ng site na ito, ipinahihiwatig mo na (a) nabasa at sumasang-ayon ka sa mga tuntunin ng Kasunduang ito, at (b) ikaw ay legal na makapagrerehistro (kung kinakailangan) upang magamit ang site na ito at ang iba pang site na may kaugnayan sa FamilySearch. Kung nagsusumite ka ng personal na impormasyon sa site na ito, sumasang-ayon kang magbigay ng totoo, tumpak, at updated na impormasyon tungkol sa iyong sarili (pati na sa proseso ng pagrerehisto) at panatilihin at siguraduhing pinakabago at pinakatumpak ang impormasyong ito tungkol sa iyong sarili, sakaling magbago ang iyong sitwasyon. Kung magbibigay ka ng mali, hindi tumpak, di-angkop, o libelous na impormasyon o mga larawan, maaari naming isuspinde o wakasan ang iyong account at paggamit ng site na ito. Sa proseso ng pagrerehistro, hihilingan kang gumawa ng sign-in name at password para ma-access ang ilang bahagi nito o ng iba pang mga site na may kaugnayan sa FamilySearch. Responsibilidad mong panatilihin ang pagiging kumpidensyal ng iyong sign-in name at password. Ikaw ang responsable sa lahat ng aktibidad na nangyayari gamit ang sign-in name at password na ito. Kung may ibang tao na gumamit ng iyong pangalan at password sa paraang malalabag ang mga tuntunin ng Kasunduang ito, ikaw ang magiging responsable sa kanyang mga ginawa, at ang paggamit ng iyong sign-in name ay maaaring suspindihin o wakasan.

Mga Lisensya at Karapatang Ibinibigay sa Amin

Bilang kapalit ng paggamit mo ng site na ito at/o ng pag-iingat namin ng anumang datos na isinumite mo, ipagkakaloob mo sa amin ang isang unrestricted, fully paid-up, royalty-free, worldwide, irrevocable, sublicensable, at perpetual na  lisensya para gamitin ang anuman at lahat ng impormasyon, nilalaman, at iba pang mga materyal (na tinatawag bilang “Contributed Content”) na isusumite mo o kaya’y ibibigay sa site na ito (kabilang nang walang limitasyon ang genealogical data, mga larawan, kasulatan, dokumento, materyal, recording, talakayan, impormasyon, at data na may kinalaman sa mga yumaong tao o anumang bagay) para sa anuman at lahat ng layunin, sa alinman at lahat ng uri, at sa alinman at sa lahat ng anyo ng media na sa tingin namin, sa sarili naming pagpapasiya, ay naaangkop sa pagsulong ng aming misyon upang itaguyod ang family history at genealogical research. Bilang bahagi ng lisensyang ito, binibigyan mo kami ng pahintulot na kopyahin, ipakita sa publiko, i-transmit, i-broadcast, i-publicly perform, ipamahagi, at gamitin (at hayaang gamitin ng iba) ang iyong Contributed Content sa buong mundo, sa anumang paraan na itinuturing naming angkop (elektroniko o anuman, kabilang na ang Internet). Nauunawaan at sumasang-ayon ka rin na bilang bahagi ng lisensyang ito, may karapatan kaming lumikha (at tulutan ang iba na lumikha) at gumamit ng mga derivative works na mula sa iyong Contributed Content sa pamamagitan ng pagsasama ng lahat o bahagi nito sa Contributed Content ng iba pang mga nag-ambag o kaya ay baguhin ang iyong Contributed Content.

Kolaborasyon sa Iba

Tinatanggap mo na ang pangunahing layunin ng site na ito ay magkaroon ng kolaborasyon sa pagitan ng mga user ng site na ito at ng iba pang mga site na nais palawakin ang kanilang mga database at kaalaman sa genealogy. Tinatanggap mo na maaari naming gamitin ang Contributed Content, kabilang na ang anumang personal na impormasyon tungkol sa mga nabubuhay na indibiduwal, na isinusumite mo para sa layunin ng kolaborasyon at pagbabahagi sa iba pang mga indibiduwal at organisasyon (kabilang na ang mga komersyal na genealogical organization) upang, gaya ng, makalikha ng isang pandaigdigang common pedigree para sa mga layunin ng pagpapataas ng partisipasyon sa family history at pag-iingat ng mga talaan sa buong mundo. Tinatanggap mo na ang kolaborasyon sa pagitan ng maraming indibiduwal at organisasyon ay nagtutulot sa amin na makakuha ng karagdagang datos na maaari naming ibigay sa mga user ng site na ito—na tutulong sa mga user na mapalawak pa ang kanilang talaan ng kanilang mga ninuno. Ang aming Privacy Notice  ay nagbibigay ng karagdagang mga detalye tungkol sa paggamit namin ng iyong Contributed Content.

Sumasang-ayon kang magpasok ng tumpak na data sa abot ng iyong kaalaman. Upang mapanatili ang mga pagkakapare-pareho sa tradisyunal na mga genealogical view na makukuha sa site na ito (tulad ng mga pedigree chart, landscape views, fan chart, at iba pang mga view at chart), sumasang-ayon kang tukuyin ang mga tao sa pamamagitan ng kanilang biological na kasarian at ipasok ang mga ito sa kanilang tradisyunal na lalaki o babaeng posisyon sa mga chart at view nito (hal., ama o ina). Sa pagpapakasal ng magkaparehong kasarian, pareho ang kasarian ng mag-asawa. Maaari kang magpasok ng anumang tala tungkol sa kinikilalang kasarian o gender identity sa mga komento. Sumangguni lamang sa bahaging Code of Conduct para sa balangkas ng mga posibleng kahihinatnan ng maling pagpasok ng datos.

Kabilang sa site na ito ang discussion feature kung saan maaaring magbigay ng komento ang mga indibiduwal at kung hindi ay magbigay ng Contributed Content tungkol sa isang partikular na yumaong indibiduwal at magbigay ng mga detalye tungkol sa indibiduwal na iyon. Pinananatili namin sa aming sarili ang karapatang muling gamitin ang discussion information at iba pang Contributed Content at ilathala ito sa iba sa pagsisikap na makatulong sa paglutas ng mga bukas na isyu o makatulong sa pagtuturo sa iba. Hinihiling namin sa iyo na maging mapili sa mga impormasyong isasama mo sa iyong online discussion at iba pang Contributed Content, makipag-ugnayan sa pamamagitan ng e-mail o iba pang paraan kung magbibigay ng personal na contact information o iba pang personal o sensitibong impormasyon. Kinikilala mo na anumang mga item na isinumite mo sa pamamagitan ng discussion feature ay makikita ng sinumang makaka-access sa site na ito. Ang discussion feature ay nilayong tumulong sa kolaborasyon, pagwawasto ng mga mali, at pangasiwaan ang karagdagang pananaliksik sa iba pang interesadong mga user. Ang discussion feature ay hindi maaaring (a) gamitin para sa mga dahilang walang kinalaman sa paksang tinatalakay, (b) kabilangan ng impormasyon na maaaring makapahamak o makapahiya sa sinumang taong nabubuhay, o (c) kabilangan ng nakasasakit, hindi disente, hindi angkop, nagbabanta, o mapang-abusong salita o nilalaman. Ang mga hindi pagkakaunawaan tungkol sa mga katotohanang nauukol sa isang yumao na indibiduwal ay malamang na mangyari, at ang gayong hindi pagkakaunawaan ay dapat ilagay sa malinaw na usapan batay sa mga katotohanan at pagbanggit ng mga sources kung saan maaari, nang hindi humahantong sa pambibigla, pang-iinsulto, o pagsasalita nang masasakit na pananalita o komento. Ang discussion feature ay hindi maaaring gamitin upang magbigay ng mga link sa mga external website na may di-angkop na nilalaman (bagama’t ang mga link na may kaugnayan at may mahalagang impormasyon hinggil sa mga yumaong indibiduwal ay maaaring angkop) o upang makapaglikom ng negosyo o mag-alok ng serbisyo para sa pagsasaliksik. Bagama’t wala kaming obligasyong gawin ito, inilalaan namin ang karapatan at lubos na pagpapasiya sa aming sarili na i-delete o i-edit ang Contributed Content na nasa discussion feature at iba pang kahalintulad na feature at ipagkait sa mga user ang access sa mga feature iyon sa anuman o walang kadahilanan. Sumangguni lamang sa bahaging Code of Conduct para sa outline ng mga posibleng kahihinatnan ng maling paggamit ng discussion feature at katulad na mga feature. 

Software

Kung nag-download ka ng software sa site na ito, maaari mo lamang gamitin ang software na iyon ayon sa kasunduan ng lisensya na kaakibat ng software. Ikaw lamang ang responsable sa pagsunod sa anumang export control ng United States of America na maaaring angkop sa anumang software na ibinigay sa site na ito.

Karapatang Magsumite

Ang anumang Contributed Content na isinumite mo sa site na ito ay nasasaklawan ng Kasunduang ito at ng FamilySearch Content Submission Agreement. Ipinahihiwatig at pinagtitibay mo na hindi ka magsusumite ng anumang bagay sa site na ito na lumalabag sa anumang karapatan ng third party (kabilang ang, ngunit hindi limitado sa, copyright, privacy rights, publicity rights, contract rights, o iba pang proprietary rights). Sa tuwing magsusumite ka ng Contributed Content sa site na ito, pinagtitibay mo na ikaw ay may legal na karapatan na isumite ang Contributed Content na iyon sa amin at ipagkaloob sa amin at sa aming mga sublicensee ang mga karapatan at lisensya na itinakda sa Kasunduang ito at sa FamilySearch Content Submission Agreement. Tinatanggap mo ang legal na responsibilidad sa paggamit namin ng anumang Contributed Content na isinumite mo. Ikaw lamang ang responsable sa lahat ng Contributed Content na isinusumite, ipino-post, o kaya’y ibinibigay mo sa site na ito o sa alinmang iba pang site na may kaugnayan sa FamilySearch.

Pagsusumite ng mga Pangalan para sa mga Ordenansang Panrelihiyon

Ang mga pangalan na dapat mong isumite ay ukol sa mga indibiduwal sa sarili mong angkan lamang para sa mga ordenansang panrelihiyon para sa mga patay, at hindi mo dapat isumite ang mga pangalan ng mga taong hindi mo kamag-anak tulad ng mga sikat o kilalang tao, o mga pangalang natipon mula sa mga hindi inaprubahang extraction project, tulad ng mga biktima ng Jewish Holocaust.

Code of Conduct

Sumasang-ayon ka na hindi ka, o bilang bahagi ng anumang sama-samang pagsisikap, magsusumite o magpo-post ng impormasyon sa site na ito (maaaring sa registration, bilang genealogical submission, sa pamamagitan ng discussion feature, o sa pamamagitan ng anumang iba pang feature kung saan ang anumang Contributed Content ay maibibigay) na maaaring ituring na nakapapahamak sa iba pang mga user. Sumasang-ayon ka rin na hindi mo gagamitin ang identidad ng isa pang user para sa anumang kadahilanan, pati na para itago ang iyong pagkatao o isisi sa iba ang iyong mga ginawa. Sumasang-ayon ka na hindi mangalap, mangolekta, o gumamit ng anumang impormasyon mula sa site na ito sa paraang maaaring manghamak, manira, manggulo, o maminsala sa sinumang tao o pagkatao. Sumasang-ayon ka rin na maliban na lamang kung nakatanggap ka ng paunang nakasulat na pahintulot mula sa amin, hindi mo maaaring gamitin ang anumang software, teknolohiya, o device para magsagawa ng bulk download, mag-scrape ng content, o mag-harvest ng anumang impormasyon o materyal mula sa site na ito. Sumasang-ayon ka na hindi mo hahanapan ng butas ang anumang control o mga tuntunin sa paggamit na ipinatutupad namin. Sumasang-ayon ka na hindi mo gagawan ng kopya, duduplikahin, ida-download, ita-transmit, ipapakita, itatanghal, ibibigay sa publiko, ibebenta, o gamitin ang anumang bahagi ng site na ito o mga materyal na nakapaloob dito para sa anumang hindi personal na paggamit o komersyal na paggamit. Sumasang-ayon ka na hindi ka makikibahagi sa anumang aktibidad na may kaugnayan sa site na ito, mga nilalaman nito, o mga user nito na magiging gawaing kriminal o magiging dahilan para managot sa batas. Dagdag pa rito, sumasang-ayon ka na hindi mo muling ilalathala, ibobrodkast, ipopost, ita-transmit, ipamamahagi, idi-disassemble, ide-decompile, gagayahin, ire-reverse engineer, lilikha ng derivative works, o muling lilikhain ang site na ito, pati na ang mga serbisyo, source code, o content nito nang wala ang aming malinaw na paunang nakasulat na pahintulot. Sumasang-ayon ka rin na hindi ka gagawa ng anumang bagay na maaaring makapigil sa pagdaloy ng datos papunta o mula sa site na ito o magkakaroon ng epekto sa serbisyo o performance ng site na ito. Nauunawaan mo na ang resulta ng nakapipinsala o nakasasakit na mga gawain, o anumang iba pang paglabag sa Kasunduang ito, ay maaaring kabilangan ng pagbawi sa iyong karapatang gamitin ang site na ito (kabilang ang karapatan mong gamitin ang site na ito, anumang iba pang mga site at mga mobile app na may kaugnayan sa FamilySearch, at anumang materyal mula sa mga ito) at legal na hakbang laban sa iyo.

Pangangalaga sa mga Isinumite

Balak naming gamitin ang makatwirang mga pagsisikap para mapanatili ang integridad ng iyong Contributed Content at iwasan ang mga mali o pagtatanggal sa nilalaman ng site na ito. Gayunman, sumasang-ayon ka na hindi kami magiging responsable ni mananagot sa mga pagkakamali, o pagtatanggal sa anumang nilalaman na matatagpuan mo sa site na ito, ni sa kawalan, pinsala, o pagkasira ng Contributed Content na isinumite o ipinost mo.

Pag-Link

Para sa iyong kaginhawahan, ang site na ito ay maaaring may link sa mga web site na pinatatakbo ng iba. Ang mga site na ito ay hindi namin pinapanatili o pinatatakbo, at hindi namin pananagutan ang mga nilalaman na naroon. Kahit na pinagsikapan naming mag-link lamang sa mahahalaga at angkop na mga site, ang ilan ay maaaring magkaroon ng di-angkop o hindi kanais-nais na materyal. Kung makahanap ka ng gayong materyal habang ginagamit ang isang website na na-access mo sa pamamagitan ng isang link sa site na ito, mangyaring ipaalam sa amin kaagad.

Naniniwala kami na inaasahan ng mga naglayong maging abot-kamay ang mga impormasyon na nasa Internet na makikita ito ng publiko at makukuha ng karamihan. Samakatwid, naniniwala kami na ang pag-link sa ibang mga site ay legal na pinahihintulutan at naaayon sa mga inaasahan ng mga gumagamit ng Internet. Gayunman, kung dapat limitahan ang access sa isang partikular na site, dapat itong ipabatid kaagad sa amin ng nagpapatakbo ng site na iyon.

Data Privacy at Protection

Sa paggamit ng site na ito at pagsusumite ng iyong personal na datos sa amin, pumapayag ka sa pagpoproseso sa United States of America, o sa iba pang mga lokasyon, ng anumang personal na datos na isinumite mo alinsunod sa aming Privacy Notice. Sumasang-ayon ka rin na sumunod sa lahat ng naaangkop na mga batas tungkol sa pagpapadala ng personal na datos papunta o mula sa United States of America at sa bansa kung saan ka nakatira.

Jurisdiction at Applicable Law

Ang Kasunduang ito ay pamamahalaan ng mga batas ng Estado ng Utah, United States of America, ayon sa mga kasunduang pinasok at isasagawa nang buung-buo sa loob ng estado, nang hindi nagdudulot ng anumang mga tuntunin ng conflict of laws. Anumang gawin mo para ipatupad ang Kasunduang ito o anumang mga bagay na nauugnay sa site na ito ay maaaring dalhin sa mga hukuman ng estado o pederal na nasa Salt Lake County, Utah, at sumasang-ayon at magpapasailalim ka sa personal na jurisdiction ng mga hukumang iyon para sa layunin na litisin ang anumang ginawa. Sumasang-ayon ka rito anuman ang iyong lokasyon o anumang abala sa iyo. Kung alinman sa mga probisyon ng Kasunduang ito ang labag sa batas, walang-bisa, o hindi maipatutupad nang buo o bahagya, ang nalalabing mga probisyon ay hindi maaapektuhan, maliban kung ipagpasiya namin na ang kundisyong walang bisa o hindi maipatutupad ay mahalagang bahagi sa Kasunduan na ito, kaya maaari naming ipasiya sa aming sarili na baguhin ang Kasunduan na ito.

Mga Limitasyon ng Liability

Hindi kami mananagot sa anumang special o consequential damages dahil sa iyong paggamit, o hindi paggamit, ng site na ito o mga materyal sa site na ito o sa anumang site na naka-link dito, kabilang na ang, ngunit hindi limitado sa, nawalang kita, naunsyaming negosyo at pagkawala ng mga programa o iba pang datos sa iyong information handling system. Walang pagkakataon na ang kabuuang liability namin sa iyo dahil sa pagkasira, pagkawala, at sanhi ng pagkilos ay hihigit ang halagang ibinayad mo, kung mayroon man, para ma-access ang site na ito o anumang site na naka-link dito.

Mga Disclaimer

ANG SITE NA ITO AT MGA MATERYAL SA SITE NA ITO AT SA ANUMANG SITE NA NAKA-LINK DITO AY INILAGAY “AS IS” AT WALANG WARRANTY O ANUMANG KATULAD, EXPRESS MAN O IMPLIED. SA SUKDULANG MAPAHIHINTULUTAN NA BATAY SA NAAANGKOP NA BATAS, ITINATANGGI NAMIN ANG LAHAT NG WARRANTY, EXPRESS MAN O IMPLIED, KABILANG NA ANG, NGUNIT HINDI LIMITADO SA, MGA WARRANTY NG TITLE AT IMPLIED WARRANTIES NG MERCHANTABILITY AT FITNESS PARA SA ISANG PARTIKULAR NA LAYUNIN. HINDI NAMIN WINA-WARRANT NA ANG MGA FUNCTION NA NASA SITE NA ITO AY TULOY-TULOY O WALANG MALI, NA ITATAMA ANG MGA DEPEKTO, O NA ANG SITE NA ITO O ANG SERVER NA NAGPAPATAKBO RITO AY WALANG MGA VIRUS O IBA PANG NAKASISIRANG NILALAMAN.

Mga Trademark

Ang sumusunod ay isang maikling listahan ng mga trademark at service mark namin at ng aming kaugnay na mga organisasayon:

FamilySearch

FamilySearch GEDCOM

International Genealogical Index

RootsTech

The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints

Ang mga marks na ito ay mga identifier ng FamilySearch o Intellectual Reserve, Inc. at nakarehistro sa United States of America at iba pang mga bansa. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga trademark at service mark namin at ng aming kaugnay na mga organisasyon at ang wastong paggamit ng mga ito, mangyaring tingnan ang Guidelines for Use of FamilySearch Trademarks

Mga Tanong 

Para sa iba pang tulong o impormasyon hinggil sa mga materyal na may copyright at trademark na pagmamay-ari namin o ng aming kaugnay na mga organisasyon, maaari mong kontakin ang aming Intellectual Property Office sa:

Telepono: 1-801-240-3959 o 1-800-453-3860, ext. 2-3959
Fax: 1-801-240-1187
E-Mail: cor-intellectualproperty@FamilySearch.org

Na-update: 2023-09-01