Kasunduan sa Pagsusumite ng FamilySearch Content
Na-update 2023-09-01
Ang FamilySearch International (“FamilySearch,” “kami”, “amin”, o katulad na kataga) ay isang nonprofit organization. Ang liability at mga obligasyon ng FamilySearch na may kaugnayan sa paglalathala at iba pang paggamit ng anumang impormasyon o mga materyal na iniambag mo sa FamilySearch.org (ang “Site” na ito) ay mahigpit na nililimitahan ng Terms of Use (ang “Mga Tuntunin sa Paggamit”) ng Site na ito at ng Kasunduan sa Pagsusumite ng FamilySearch Content (ang “Kasunduan” na ito). Ang Kasunduang ito ay muling ipinapahayag at/o dinaragdagan ang mga Tuntunin sa Paggamit; hindi nito pinapalitan ang mga Tuntunin sa Paggamit. Kapwa ang mga Tuntunin sa Paggamit at ang Kasunduang ito ay pinagsama na para bang malinaw na binibigkas, ang bawat isa sa isa pa. Sa pagsusumite, pag-aambag, o pagpo-post ng anumang impormasyon o mga materyal sa anumang bahagi ng Site na ito, sumasang-ayon ka sa mga Tuntunin sa Paggamit at sa lahat ng tuntunin at kundisyon ng Kasunduang ito.
1. Ikaw ang Responsable sa Iyong Iniambag na Data. Ang desisyon na mag-upload ng impormasyon, nilalaman, genealogical data, mga larawan, isinulat, dokumento, recording, talakayan, komento, o iba pang materyal (nang sama-sama at indibiduwal, “Contributed Content”) sa Site na ito ay responsibilidad mo. Lahat ng Contributed Contentna in-upload mo sa Site na ito ay maaaring idispley at magamit ng iba para magsaliksik, makita, marinig, at magamit alinsunod sa mga Tuntunin sa Paggamit at sa Kasunduang ito. Huwag mag-ambag ng anumang bagay na ayaw mong ma-access ng iba.
2. Karapatang Magsumite. Sa pagsusumite ng Contributed Content sa Site na ito, pinagtitibay mo na may legal na karapatan kang iambag ang gayong Contributed Content at na ang pagsusumite at paggamit nito alinsunod sa mga Tuntunin sa Paggamit at sa Kasunduang ito ay hindi lalabag sa anumang privacy rights, publicity rights, contract rights, copyrights, o iba pang mga proprietary rights. Sa pagsang-ayon mo sa iyong legal na karapatan na magsumite ng Contributed Content, tinatanggap mo ang legal na responsibilidad para sa paggamit namin (at ng aming mga sublicensee) ng iyong Contributed Content.
3. Copyright. Sensitibo kami sa copyright at sa iba pang intellectual property rights ng iba. Dapat mong malaman na ang content, kabilang na ang mga larawan, kuwento, at personal na karanasan, kahit isinumite sa isang bahagi ng Site na ito na may kaugnayan sa iyo, ay nananatiling pag-aari ng lumikha o nagsumite. Hindi mo ito dapat gawan ng kopya nang walang pahintulot ng may-ari. Ang mga larawan ng mga buhay na indibiduwal, maliban ng sarili mong mga anak na menor-de-edad, ay hindi dapat i-post nang walang pahintulot nila. Kapag lumilikha ng audio / voice recording, dapat ay sarili mo ang personal content na naka-record, o kung nilikha ng iba (halimbawa, isang tula o artikulo), ay dapat gamitin nang may pahintulot ng may-ari.
4. Mga Lisensya at Karapatang Iginawad sa Amin. Sa pagsusumite ng Contributed Content sa Site na ito, binibigyan mo ang FamilySearch ng isang unrestricted, fully paid-up, royalty-free, worldwide, irrevocable, sublicensable, at perpetual na lisensya para gamitin ang anuman at lahat ng Contributed Content na isinusumite o kaya ay ibinibigay mo sa Site na ito, para sa anuman at sa lahat ng layunin, sa anuman at sa lahat ng paraan, at sa anuman at lahat ng uri ng media na ipinalalagay naming angkop, sa aming tanging pagpapasiya, para sa pagsusulong ng aming misyon na itaguyod ang family history at genealogical research. Bilang bahagi ng lisensyang ito, binibigyan mo kami ng walang-limitasyong pahintulot na kopyahin, ipakita sa publiko, i-transmit, i-broadcast, i-publicly perform, ipamahagi, i-sublicense, lumikha ng mga derivative works mula sa (kabilang na, ngunit hindi limitado, sa pagsasama ng lahat o isang bahagi ng iyong Contributed Content sa iba pang mga nag-ambag o kaya ay sa pagbabago ng iyong Contributed Content), at gamitin (at pahintulutan ang iba na gamitin) ang iyong Contributed Content sa buong mundo, sa anumang paraang ipinalalagay naming angkop (elektroniko o sa ibang paraan, pati na sa Internet).
5. Katumpakan ng Iniambag na Data. Pumapayag kang magbigay ng totoo, tumpak, at kumpletong impormasyon sa amin. Kung ang anumang impormasyong ibinigay mo, sa aming tangi at ganap na pagpapasiya, ay mali o nakakalinlang, may karapatan kami, ngunit walang obligasyon, na gumawa ng anumang lunas o paghadlang na ipinalalagay naming angkop sa aming tanging pagpapasiya, kabilang na ang restrikyon sa pag-access, pag-delete, at/o pag-edit sa anuman sa iyong Contributed Content.
6. Sensitibo sa Iba pang mga User. Hinihiling namin na maging mapili ka sa pagsusumite ng iyong Contributed Content. Amin ang karapatang tanggalin ang anumang Contributed Content na pinaniniwalaan namin, sa aming tangi at ganap na pagpapasiya, na (a) walang kaugnayan, (b) posibleng makapinsala o nakakahiya sa sinumang buhay na tao, (c) nakakasakit, malaswa, hindi angkop, nagbabanta, o mapang-abuso, o (d) di-kaya’y lumalabag sa Kasunduang ito, sa mga Tuntunin sa Paggamit, o sa Na-upload na mga Tuntunin at Patakaran. Maaari din kaming gumawa ng anumang hakbang, kabilang na ang rekstriksyon sa pag-access dahil sa mga paglabag sa Kasunduang ito at pagpapabatid sa mga nagpapatupad ng batas ng anumang aktibidad na mukhang lumalabag, sa aming tanging pagpapasiya, sa kaukulang batas.
7. Automated Screening. Amin ang karapatan, nang walang obligasyon, na i-monitor at i-edit ang iyong Contributed Content. Gumagamit kami ng automated filtering tools para i-suppress ang Contributed Content na sa tingin namin ay mukhang tumutukoy sa isang buhay na tao o lumalabag sa mga Tuntunin sa Paggamit o sa Kasunduang ito. Bagama’t hindi kami obligadong gawin iyon, amin ang karapatang i-edit ang iyong Contributed Content sa anumang dahilan o kahit walang dahilan.
8. Pangangalaga sa mga Isinumite. Layon naming gumamit ng makatwirang mga pagsisikap na panatilihin ang integridad ng iyong Contributed Content at iwasan ang mga pagkakamali o pagkukulang sa nilalaman ng Site na ito. Nagbibigay kami ng pagkakataong magsumite ng Contributed Content batay sa mga Tuntunin sa Paggamit at sa Kasunduang ito. Ang gayong serbisyo at ang Site na ito ay inilalaan nang “AS IS”, at hindi kami responsable ni mananagot sa mga pagkakamali o pagkukulang sa anumang content na maaari mong makita sa Site na ito, ni sa anumang nawala, nasira, o na-corrupt na Contributed Content na isinumite mo. Maaari mong bawiin ang alinman sa iyong Contributed Content mula sa Site na ito, ngunit hindi namin kailangang tanggalin ang mga link o reperensya sa binawing Contributed Content. Bukod pa rito, tinatanggap mo at sumasang-ayon ka na kapag nai-sublicense na namin ang iyong Contributed Content sa iba, maaaring hindi namin magawa, at wala kaming obligasyon, na patigilin ang mga sublicensee na iyon sa paggamit ng Contributed Content na iyon. Hindi kami mananagot sa anumang mga special o consequential damages dulot ng pagsusumite mo ng Contributed Content o pag-ayaw naming tanggapin ang iyong Contributed Content. Tingnan lamang ang Mga Tuntunin sa Paggamit para sa karagdagang impormasyon.
9. Mga Batas sa Data Protection. Kung ikaw ay nasa labas ng United States of America, pumapayag kang iproseso sa United States of America ang anumang personal data na isinusumite mo. Sumasang-ayon ka ring sumunod sa lahat ng kaukulang batas tungkol sa pagta-transmit ng personal na impormasyon sa o mula sa United States of America at sa bansa kung saan ka nakatira.
10. Code of Conduct. Mangyaring basahing mabuti ang bahaging Code of Conduct ng Mga Tuntunin sa Paggamit, na angkop, kasama ng lahat ng iba pang bahagi ng Mga Tuntunin sa Paggamit, sa Kasunduang ito.
Na-update 2023-09-01