Mga Tuntunin at Patakaran sa Pag-upload

In-update 2017-03-28

Mga Alituntunin sa Pag-upload ng mga Retrato, Dokumento at Audio Recording

Ang mga Retrato, Dokumento at Audio Recording sa FamilySearch ay dapat pahintulutan ang mga indibiduwal na ibahagi ang content tungkol sa kanilang mga ninuno na makakatulong sa pamilya na makilala at mahalin ang bawat isa. Ang sumusunod na pangkalahatang mga alituntunin ay dapat gamitin:

Angkop. Ang content ay dapat sumuporta sa angkop na mga pamantayan ng kadisentehan at kabutihan.

Napapanahon. Ang content ay dapat sumuporta sa isang layunin ng family history.

Nakakaantig ng puso. Ang content ay dapat sumuporta sa mga indibiduwal na makilala at mahalin ang kanilang mga ninuno.

Hindi ibinibenta. Ang content ay hindi dapat mag-anunsyo o magtaguyod ng mga produkto. Hindi dapat lumabag ang mga ito sa intellectual property rights.

Mga Tuntunin sa mga Patakaran ng Pagsusuri sa mga Retrato, Dokumento at Audio Recording

Ang content ay HINDI MAAARING maglaman ng mga larawan, pagpapakita, o paglalarawan ng

1.  Paghuhubo’t hubad o kahalayan. Dapat ay nakasiper at nakabutones nang maayos ang pananamit na ipinapakita sa mga retrato.

2.  Sagrado o ibang pang relihiyosong content.

     a. Pananamit
     b. Mga ritwal
     c. Patriarchal Blessing

3.  Damit na pambabae na suot ng lalaki at panlalaki na suot ng babae.

4.  Mga link sa labas ng mga website (hal. walang mga URL).

5.  Anumang uri ng bastos o malaswang mga salita.

6.  Mga bahagi ng katawan na kinunan nang walang ulo o mukha.

7.  Mga larawan ng mga taong naghahalikan sa bibig, mga indibiduwal na naghahalikan o maghahalikan sa mga labi, anuman ang kasarian, edad, o relasyon sa isa’t isa.

8.  Mga pag endorso sa produkto o website. Ang mga logo at salitang nakasulat sa pananamit o sa mga billboard, trak, atbp. ay susuriing isa-isa.

9.  Ilegal na mga gawain, produkto, o serbisyo. Kabilang dito ang mga droga.

10.  Kalaswaan, malalaswang galaw o lengguahe.

11.  Pagpapahayag ng pagkamuhi o diskriminasyon.

12.  Karahasan at pambabalda.

a.  Ang mga retrato ng digmaan, pangangaso, at pangingisda ay susuriing isa-isa.
b.  Mga larawan ng mga pagpapabutas sa balat at mga tato ay susuriing isa-isa.

13.  Pagtataguyod ng rasismo.

14.  Pagtataguyod ng kasalukuyang mga produksyon, layunin, o kawanggawa.

15.  Content na ibinebenta. Ang mga eksepsyon lamang ay kung:

a.  Mayroon kang legal na mga karapatan sa content.
b.  Nag-expire na ang copyright.

Ang mga Retrato, Dokumento at Audio Recording ay hindi maaaring iedit sa isang paraan na gagawing mali, huwad, o nakalilito ang mga ito. Gayundin, anumang kuhang larawan ng grupo na may kahit isang indibiduwal na lumalabag sa anuman sa mga tuntunin ng dokumentong ito ay hindi pinahihintulutan.

Ang mga larawan, artifact, o file na bago o dati nang in-upload o ginawa sa FamilySearch na lumalabag sa mga patakaran sa pagsusumite ay maaaring ipinagbabawal.