Mga Tuntunin sa Paggamit ng mga Trademark ng FamilySearch
Na-update 2023-09-01
Ang trademark ng FamilySearch at ng mga kaanib nito (isang grupong tinatawag na “FamilySearch”) ay maaaring anumang salita, parirala, simbolo, disenyo, o kumbinasyon ng mga ito na tumutukoy sa FamilySearch bilang pinagmumulan ng isang item o serbisyo. Ang trademark ng FamilySeach ay maaari ding ang natatanging anyo ng isang item, kabilang na ang laki, hugis, kulay, texture, packaging, tunog, at graphics nito.
Ang mga sumusunod ay isang di-kumpletong listahan ng mga trademark at service mark ng FamilySearch:
- FamilySearch
- FamilySearch GEDCOM
- International Genealogical Index
- RootsTech
Ito ang mga trademark at service mark ng FamilySearch at rehistrado sa Estados Unidos ng Amerika at sa ibang bansa.
Mga Pangkalahatang Tuntunin
Ang mga trademark ay mga pang-uri, at dapat gamitin bilang pang-uri, na naglalarawan sa isang partikular na produkto o serbisyo. Kaugnay nito, ang mga trademark ay hindi dapat gawing mga pandiwa o gawing pangmaramihan o magsaad ng pagmamay-ari. Dapat ding isama ang isang angkop na panglahatang termino sa bawat trademark sa unang pagkakataong lumitaw ito sa isang gawain (halimbawa, FamilySearch website). Pagkatapos noon, dapat lumitaw nang madalas ang panglahatang termino na kasama ng trademark.
Kapag gumagamit ng mga trademark ng FamilySearch sa mga lathalain, huwag gamitin ang mga simbolong ™, ℠, o ®. Sa halip, gumamit ng isang angkop na pabatid sa trademark attribution tulad ng “ang FamilySearch ay isang trademark ng FamilySearch/Intellectual Reserve, Inc., at maaaring rehistrado sa Estados Unidos ng Amerika at sa iba pang mga bansa.”
Hindi ninyo maaaring gamitin ang mga trademark o serbisyo ng FamilySearch sa isang paraan na nagmumungkahi o nagpapahiwatig na kayo o ang inyong produkto o serbisyo ay ineendorso o kaanib ng FamilySearch. Sa gayon, hindi dapat gamitin ang mga trademark ng FamilySearch sa pangalan ng isang organisasyon o produkto, o kaganapan. Ang gayong paggamit ay maaaring makalito sa iba sa pamamagitan ng pagbibigay ng maling impresyon na itinataguyod o ineendorso ito ng FamilySeach. Halimbawa, ang sumusunod ay hindi magiging angkop na paggamit ng FamilySearch maliban kung bibigyan kayo ng FamilySearch ng maliwanag na nakasulat na pahintulot:
- “FamilySearch Certified” sa isang produkto o serbisyo para ipahiwatig ang pag-endorso o pag-apruba ng FamilySearch sa produkto o serbisyo.
Karagdagang Impormasyon
Siyempre pa, hindi mahuhulaan ng mga tuntuning ito ang bawat potensyal na uri ng makatarungang paggamit. Kung gusto ninyo ng partikular na gabay sa isang ipinanukalang paggamit, kontakin lamang ang Intellectual Property Office ng FamilySearch sa:
Telepono: 1-801-240-3959 or 1-800-453-3860, ext. 2-3959
Email: cor-intellectualproperty@FamilySearch.org
Na-update 2023-09-01