Pabatid tungkol sa Privacy
Na-update 2025-01-14
Ang FamilySearch International, isang Utah nonprofit corporation na may mga pangunahing tanggapan sa Salt Lake City, U.S.A. (“FamilySearch”), ay nakatuon sa family history at genealogical research. Kapag tinutukoy ang “kami,” o “aming,” ang tinutukoy namin ay ang FamilySearch. Sa Pabatid na ito, nagbibigay kami sa iyo ng impormasyon tungkol sa kung paano namin pinoproseso ang iyong personal data.
Ang paglikha ng online account sa aming website at mga application (“Website”) o kung hindi man ay pagsusumite ng datos sa FamilySearch ay nagbibigay-daan sa iyo na ma-access ang mga serbisyo at Website na aming inaalok, kabilang na ang paggawa ng family tree; pag-uugnay sa mga miyembro ng pamilya; at pag-access at pagbabahagi ng mga larawan ng pamilya, digital record, naitalang oral history, at iba pang memorabilia na isinumite mo o ng iyong mga kamag-anak, o nakuha mula sa mga pampubliko at makasaysayang pinagkukunan sa buong mundo.
Iginagalang ng FamilySearch ang privacy ng mga taong gumagamit ng aming Website. Sa Pabatid tungkol sa Privacy na ito, tinutukoy namin ang personal data na kinokolekta namin, ang aming batayan para sa pagproseso ng personal data, at ang aming mga tuntunin sa pagproseso ng datos alinsunod sa iyong mga karapatan at kaukulang batas. Hinihikayat ka naming basahing mabuti ang Pabatid tungkol sa Privacy na ito bago magsumite ng personal data sa amin. Dahil ang paghahatid ng aming Website ay depende sa pagproseso ng iyong personal data sa Tuntunin sa Paggamit at sa Kasunduan sa Pagsusumite ng Nilalaman sa FamilySearch, mangyaring basahin ding mabuti ang mga dokumentong ito.
1. Sino ang may kontrol sa iyong personal data?
Kapag ibinahagi mo ang iyong personal data sa aming Website o nakikipag-ugnayan ka sa amin, pinoproseso namin ang iyong personal data bilang data controller.
Ang FamilySearch ay kaagapay at suportado ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw (ang “Simbahan”) bilang serbisyo publiko. Ang paglikha ng online account sa aming Website ay hindi nangangahulugang nag-eendorso ka o kung hindi man ay kaanib ka ng Simbahan.
2. Anong personal data ang kinokolekta namin?
Kinokolekta namin ang personal data na (a) isinusumite mo sa amin, (b) isinusumite ng iba sa amin; (c) itinatala namin; at (d) nakukuha namin mula sa mga third party.
a. Mga Datos na Isinusumite Mo. Nagsusumite ka sa amin ng personal data, at maaari naming kolektahin ang personal data na isinumite mo, kapag lumikha ka ng account sa aming Website, humiling ng mga materyal sa FamilySearch, humiling ng access sa mga serbisyo ng FamilySearch o ng Website, nagsumite o nag-upload ka ng iyong personal data sa mga tool sa FamilySearch o sa Website (hal., sa paggawa ng iyong family tree), o sa pakikipag-ugnayan sa iba sa FamilySearch. Kapag nakikipag-ugnayan ka sa FamilySearch at lumikha ka ng account, karaniwan naming pinoproseso ang iyong pangalan, petsa ng kapanganakan, mobile number, email address, lokasyon (hal., bansa), at kasarian. Maaari ka ring magsumite ng datos ng account at pagpaparehistro para sa pagproseso, tulad ng iyong username, display name, password, email address, at mga setting at kagustuhan.
Kapag ginamit mo ang aming mga serbisyo, maaari ka ring magpasiya na magsumite ng karagdagang impormasyon para makibahagi sa sarili mong inisyatibo sa iba pang mga genealogical activity ng FamilySearch, kabilang na ang pagsusumite ng personal na genealogical data (hal., sketch ng buhay, mga pangyayari sa buhay, mga alternatibong pangalan, mga relasyon sa pamilya, mga katotohanan sa buhay, mga alaala, impormasyon sa talambuhay), mga larawan, memorabilia, mga talaan, at impormasyong pangkasaysayan tungkol sa iyo at sa iyong mga kamag-anak. Pinipili mo kung anong personal data ang isusumite, at, sa ilang mga kaso, maaari mong piliing magsumite ng impormasyon na maaaring ituring na sensitibo, tulad ng impormasyon tungkol sa etnisidad, lahi, bansang pinagmulan, relihiyon, pagkamamamayan, medikal na impormasyon, o katayuan sa imigrasyon. Gayunpaman, hindi ka dapat magsumite o magbahagi ng anumang sensitibong datos tungkol sa mga tao maliban sa iyong sarili kung ang mga naturang tao ay nabubuhay pa rin.
b. Mga Datos na Isinusumite ng Iba pang mga Gumagamit. Habang nagpapaliwanag kami nang mas detalyado sa ilalim ng “Kanino kami magbabahagi ng personal data?,” pinapayagan ng FamilySearch platform ang iba pang mga user ng Website, tulad ng iyong mga kamag-anak, na isumite ang iyong personal data na hindi sensitibo bilang bahagi ng family tree o ng iba pang limitadong mga tool at feature. Ang kakayahang magbahagi ng mga pangunahing impormasyon tungkol sa mga miyembro ng pamilya ay mahalaga sa pagsasagawa ng genealogical research at sa pagkonekta ng mga mananaliksik sa kanilang mga family tree. Kapag ang isang user ay nagsumite ng personal data ng isang tao na nabubuhay pa rin (“Living Data”) sa isang family tree, ang Living Data na iyon ay makikita lamang sa simula ng mismong user. Sa ilang mga limitadong kaso, maaari ring maibahagi ng user ang naturang datos sa mga lugar ng website na may restriksyon na may limitadong bilang ng mga user sa isang closed group setting, na naa-access lamang sa pamamagitan ng paanyaya. Ang bawat user ay responsable para sa sarili nilang pagproseso ng anumang Living Data na kanilang isinusumite o ibinabahagi sa Website, at gagawin lamang ito para sa personal na mga layunin upang magdokumento at magsaliksik ng kanilang kasaysayan ng pamilya, na hinihingi sa Kasunduan sa Pagsusumite ng Nilalaman at Mga Tuntunin ng Paggamit.
c. Mga Datos na Aming Itinatala at Cookies. Kapag binisita mo ang aming resources, ang aming mga server (gamit ang mga log file o mga sistema ng pag-filter) ay maaaring mangolekta ng impormasyon na ipinapadala ng iyong web browser anumang oras na bumisita ka sa isang website. Maaaring kabilang, pero hindi limitado, sa impormasyong ito ang iyong Internet Protocol address (IP address), browser type, operating system, piniling wika, anumang referring web page na binisita mo bago ka nagpunta sa aming site, ang petsa at oras ng kahilingan ng bawat bisita, ang impormasyong hinahanap mo sa aming resources, at ang iba pang impormasyong nakolekta sa pamamagitan ng cookies o kahalintulad na mga teknolohiya. Mangyaring sumangguni sa Cookie Preferences tool (“Cookie Preferences”) na naka-post sa bawat isa sa aming mga mobile application at sa footer ng aming mga website upang malaman ang iba pa. Pinahihintulutan ka ng Cookie Preferences na piliin ang mga uri ng cookies na ginagamit namin. Gayunman, kung hindi mo tatanggapin ang cookies, maaaring hindi mo magamit ang ilang bahagi o function ng aming mga site o application, tulad ng nakasaad sa Cookie Preferences. Dapat mo ring malaman na hindi maaaring hindi mo paganahin ang ilang cookies na kailangan sa mga bagay na pangunahin sa pag-andar o functionality ng Website. Sa paggamit ng aming Website, sumasang-ayon ka sa paggamit ng cookies tulad ng inilarawan sa Cookie Preferences. Maaari mong hindi piliin ang ilang cookies na ginagamit sa aming Website sa pamamagitan ng pag-klik sa link ng Cookie Preferences sa ibaba ng pahinang ito.
d. Mga Datos ng Third Party. Kung miyembro ka ng Simbahan, at hiniling mo na maiugnay ang iyong FamilySearch account sa iyong online account sa Simbahan, maaari naming matanggap ang iyong personal data (hal., Mga datos ng pagiging miyembro ng Simbahan at datos ng account sa Simbahan) mula sa isang kaugnay na entity ng Simbahan.
Ayon sa lawak pinapayagan ng kaukulang mga batas, maaari rin kaming makakuha ng personal data tungkol sa genealogy at kasaysayan tungkol sa iyo mula sa mga archive o iba pang sources na magagamit ng publiko.
3. Paano namin pinoproseso ang iyong personal data?
Kadalasan, pinoproseso namin ang iyong personal data sa pamamagitan ng paggamit ng awtomatikong paraan (automated processing), bagaman sa ilang sitwasyon ay maaari naming iproseso ang iyong personal data nang hindi gumagamit ng awtomatikong paraan (manu-manong pagproseso), o sa paggamit ng kumbinasyon ng awtomatiko at manu-manong paraan ng pagproseso (magkahalong proseso).
Maaaring kabilang sa pagproseso ng mga operasyon na isinasagawa namin sa iyong personal data ang mga sumusunod: pagkolekta, pagrekord, pag-aayos, paggawa ng istruktura, pangangalaga, pag-angkop o pagbabago, pagsusuri, pagbabalik o pagkuha, pagkonsulta, paggamit, paglilipat (pag-transmit, pag-access, pagsisiwalat), kabilang ang mga paglilipat na lagpas sa hangganan na ipinaliwanag sa Pabatid na ito, pag-align o pagsasama-sama, pagbuo ng mga derivative data, paghihigpit, pagbura, o pagsira sa iyong personal data.
4. Ano ang mga layunin namin sa pagproseso ng personal data?
Ipinoproseso namin ang iyong personal data na kaugnay ng Website at mga serbisyong inaalok ng FamilySearch para sa sumusunod na mga layunin:
- Genealogy/Family History Research: Para magbigay ng training, resources, at mga tool na tutulong sa iyo at sa iyong mga kamag-anak na masubaybayan ang inyong mga ninuno at angkan, gumawa ng iyong family tree, magsagawa ng family history research, at makipag-ugnayan sa mga kapamilya.
- Pagpreserba ng mga Talaan ng Kasaysayan: Upang mai-digitize at mai-archive ang mga makasaysayang dokumento, larawan, artifact, at pampublikong rekord para sa mga susunod na henerasyon.
- Pagtatala ng Family History: Upang maitala ang mahahalagang impormasyon tungkol sa family history, kasaysayan, at kultura na maaaring mawala kung hindi ito magagawa (hal., mga oral history).
- Komunikasyon at Pakikipagtulungan: Upang mapahintulutan kang makipag-usap at makipagtulungan sa iba pang mga user kapag gumagawa ng pananaliksik sa kasaysayan ng pamilya, tulad ng nasa aming tampok na talakayan.
- Pangangasiwa ng Website:
- Upang ma-authenticate ang iyong pag-access sa FamilySearch account mo at sa iba pang application at serbisyo ng FamilySearch;
- Upang makipag-usap sa iyo, sagutin ang iyong mga katanungan, at magbigay sa iyo ng impormasyon na may kinalaman sa teknikal, seguridad, o iba pang mga isyu sa pagpapatakbo o operasyon.
- Para bumuo at mapabuti ang aming Website, tools, at serbisyo, kabilang na ang pagsubaybay sa analytics sa iyong aktibidad sa FamilySearch Website.
- Para ma-notify ka tungkol sa mga bagong application at serbisyo ng FamilySearch, mahikayat ang iyong paglahok, at maipaalam sa iyo ang mga bagong potensyal na kamag-anak sa iyong family tree.
- Upang matukoy ang kamalian, panloloko, o kriminal na aktibidad, at ipatupad ang aming Mga Tuntunin sa Paggamit.
5. Ano ang aming legal na batayan sa pagproseso ng iyong personal data?
Nagsisikap kami upang matiyak na mayroon kaming patas at naaayon sa batas na batayan para sa pagproseso ng lahat ng personal data na kinokolekta namin. Ang aming legal na batayan para sa pagproseso ay maaaring magkakaiba depende sa lugar ng website; ang mga layunin kung saan pinoproseso namin ang iyong personal data, kabilang ang mga layuning inilarawan sa itaas sa “Para sa anong mga layunin namin ipinoproseso ang personal data;” at mga lokal na hinihingi ng batas sa iyong hurisdiksyon.
Ang aming pangunahing legal na batayan sa pagproseso ng personal data ng mga user ay pahintulot, na nakukuha namin mula sa iyo kapag lumikha ka ng isang account sa aming Website, paminsan-minsan kapag nag-a-upload ka ng personal na impormasyon sa aming Website, o kapag pinupunan mo ang iba pang mga form kung saan isinumite mo ang iyong personal na impormasyon sa FamilySearch.
Maaari din naming iproseso ang personal data upang mapanatili ang aming mga lehitimong interes bilang isang nonprofit genealogical research organization, kabilang na, kung saan man kinakailangan, upang magbigay ng isang platform upang makapagsagawa at makapagdokumento ka ng genealogical research at para sa pag-audit, data analysis, pag-troubleshoot ng system, pagsasampa ng kaso sa korte, at mga obligasyon sa regulasyon. Sa bawat isa rito, babalansehin namin ang aming mga lehitimong interes laban sa iyong mga karapatan at kalayaan at ipoproseso lamang ang datos na kailangan upang maisakatuparan ang mga layunin na inilarawan sa itaas.
Sa ilang mga area na may restriksiyon sa aming Website, nagbibigay kami ng isang closed platform kung saan ang mga user ay pinahihintulutan na ibahagi ang Living Data sa isang maliit na grupo ng iba pang mga inimbitahang user, kung kinakailangan, upang magsagawa ng genealogical research. Sa mga lugar na ito, pinoproseso ng FamilySearch ang content na binuo ng user na naglalaman ng Living Data sa ngalan ng mga user, alinsunod sa mga tagubilin ng user. Hindi namin pinoproseso o ginagamit ang Living Data para sa aming sariling mga layunin o tinutukoy ang legal na batayan para sa pagproseso. Ang bawat user ay responsable sa sarili nilang pagproseso ng anumang Living Data na kanilang isinumite o ibinabahagi sa Website. Aabisuhan ka kapag nagsusumite ka ng datos sa isa sa mga lugar na ito (hal., mga tree na pag-aari ng user o grupo) at papaalalahanan ka na ikaw ay responsable sa anumang Living Data na iyong isinumite.
Depende sa mga lokal na requirement sa iyong hurisdiksyon, kung pinoproseso mo ang Living Data na may kaugnayan sa isang purong personal o pangsambahayang aktibidad, maaaring hindi ka nasasaklawan ng mga patakaran sa batas tungkol sa privacy. Sa anumang kaso, gayunpaman, dapat kang magkaroon ng karapatan o pahintulot na ibahagi ang anumang Living Data sa iba pang mga user alinsunod sa Kasunduan sa Pagsusumite ng Nilalaman at Mga Tuntunin ng Paggamit ng FamilySearch.
6. Kanino namin ibinabahagi ang personal data?
Maaari mong piliing hindi magbahagi ng personal na impormasyon o limitahan ang impormasyong ibabahagi mo sa pamamagitan ng pagbabago ng iyong profile preferences o sa pagkontak sa amin gamit ang impormasyong nasa ibaba. Ibinabahagi namin ang iyong personal data sa ibang mga party sa sumusunod na mga sitwasyon:
a. Mga Third-party Service Provider. Maaari kaming magbigay ng personal data, kabilang ang ilan o lahat ng mga kategorya na natukoy sa Pabatid na ito, sa mga third party upang magsagawa ng mga function sa aming ngalan bilang mga processor ng data o sub-processor (halimbawa, pagproseso ng pagbabayad, pagpapanatili, seguridad, data analysis, pagho-host, mga serbisyo sa pagsukat, social media messaging na nangangailangan ng datos, mga survey, at iba pa). Sa ganitong mga pagkakataon, ayon sa Pabatid na ito at sa kaukulang mga batas, ang mga provider ay hinihilingan sa kontrata na protektahan ang personal data mula sa karagdagang pagpoproseso (kabilang na ang mga layuning magbenta) at sa paglilipat. Para sa listahan ng mga third party na maaaring mangolekta ng ilan sa iyong personal na mga impormasyon gamit ang cookies, mangyaring tingnan ang Cookie Preferences.
b. Mga Partner ng Simbahan. Sa ilang limitadong sitwasyon, maaari naming ibahagi ang limitadong personal data, tulad ng analytics at datos tungkol sa iyong aktibidad sa FamilySearch Website, sa mga nag-iisponsor na mga entity ng Simbahan para mapaunlad at mapabuti ang aming mga serbisyo. Sa gayong mga sitwasyon, hindi ibibigay ang mga pagkakakilanlan ng pinagmulan ng personal data hangga’t maaari. Maaari ring gamitin ng FamilySearch ang ilang ibinahaging resources ng Simbahan (hal., software) para pamahalaan ang personal data, pero ang personal data sa FamilySearch ay maa-access lamang ng mga tauhan ng FamilySearch na may lehitimong pangangailangan na malaman ang mga ito para maisulong ang mga layunin ng FamilySearch alinsunod sa Pabatid na ito. Kung ikaw ay miyembro ng Simbahan at kusang-loob na iniuugnay ang iyong impormasyon sa pagiging miyembro ng Simbahan sa iyong FamilySearch account, sumasang-ayon ka na maaaring magbahagi ang FamilySearch ng personal na mga impormasyon na isinumite mo sa mga kaugnay na entity ng Simbahan para sa layuning maidokumento ang mga ordenansa at gawain sa templo.
c. Mga Gumagamit ng Website. Upang mas mahusay na maprotektahan ang iyong privacy, dinisenyo namin ang Website upang ang mga user ay pinahihintulutan lamang na ibahagi ang Living Data sa iba pang mga user ng website sa ilang mga area ng website na may restriksyon, na naa-access sa pamamagitan lamang ng imbitasyon. Sa mga area na ito na may restriksyon, maaari mong piliing gawing accessible ang ilan sa opsyonal na genealogical information na ibinibigay mo sa Website sa iba pang mga user ng FamilySearch (halimbawa, impormasyong ini-upload mo sa iyong family tree). Kung wala ang iyong kahilingan o aksiyon, hindi gagawing accessible ng FamilySearch ang Living Data na ibinibigay mo sa iba maliban sa iyo na nagsumite nito. Kailangan mong piliin na gawin itong available (hal., kapag sumali ka sa isang grupo at nagbabahagi ng personal data sa loob ng grupong iyon). Gayunpaman, hindi ka dapat mag-attach ng mga alaala na may Living Data sa isang namatay na tao sa isang pampublikong family tree. Sinisikap ng FamilySearch na limitahan ang mga sitwasyon kung saan maaari mong ibahagi ang Living Data upang masunod ang mga kaukulang batas at protektahan ang privacy ng iyong mga kamag-anak.
Tulad ng ipinahiwatig sa itaas, ang bawat user ay responsable sa kanilang sariling pagproseso ng anumang Living Data na kanilang isinusumite o isine-share sa Website. Kapag pinili mong i-share ang Living Data sa iba pang mga user, pinagtitibay mo na ikaw ang responsable sa naturang data; na mayroon kang karapatan o pahintulot na i-share ang naturang data sa iba pang mga user alinsunod sa Kasunduan sa Pagsusumite ng Nilalaman at Mga Tuntunin ng Paggamit ng FamilySearch; na isine-share mo lamang ang gayong datos para sa layuning personal at para sa pagsasaliksik ng genealogy; at ang gayong pagbabahagi ay sumusunod sa mga kaukulang batas.
Maaari mong ayusin ang visibility ng personal data sa iba pang mga user ng FamilySearch o sa publiko anumang oras sa pamamagitan ng pagbabago ng iyong mga privacy setting o sa pamamagitan ng pagkontak sa amin gamit ang impormasyong ibinigay sa ibaba. Ang lahat ng mga alaala na naglalaman ng Living Data ay dapat i-set na “pribado.”
Gayunman, maaaring gawing available sa publiko ng FamilySearch ang ilang personal data na nakuha mula sa mga pampubliko at makasaysayang pinagkukunan kapag pinahihintulutan ng kaukulang mga batas sa lugar.
d. Mga Hinihingi ng Batas. Maaari naming i-access at i-share ang iyong personal data, mga post, online chat, personal na maiikling tala, content, o iba pang mga isinumite mo sa isang third party kung tapat kaming naniniwala na ang paggawa niyon ay kinakailangan sa isang subpoena, sa isang judicial o administrative order, o kaya naman ay inuutos ng batas. Dagdag pa riyan, maaari naming ipaalam ang iyong personal na mga impormasyon at iba pang impormasyon ayon sa hinihingi ng batas o para gamitin o ipaglaban ang mga legal na karapatan; para ingatang hindi magkaroon ng pananagutan; para protektahan ang mga karapatan, ari-arian, o kaligtasan ng sinumang indibiduwal o ng publiko sa pangkalahatan; para panatilihin at protektahan ang seguridad at integridad ng aming mga serbisyo o imprastraktura; para protektahan ang aming sarili at ang aming mga serbisyo laban sa mga mapanlinlang, mapang-abuso, o labag-sa-batas na paggamit; para mag-imbestiga at ipagtanggol ang aming sarili laban sa mga paratang o alegasyon ng third party; o para tulungan ang mga ahensya ng gobyerno na nagpapatupad ng batas.
7. Saan namin iniimbak ang personal data?
Maaari naming iimbak ang iyong personal data sa labas ng bansang tinitirhan mo, kabilang na sa Estados Unidos, sa mga server, sa mga cloud storage solution, o sa mga lugar ng FamilySearch at mga katuwang nitong sponsoring entity. Upang matiyak ang sapat na proteksyon ng personal data na inilipat sa iba pang mga hurisdiksyon, tinatapos namin ang kasunduan ng paglipat at pagproseso sa datos sa pagitan ng FamilySearch at ng aming mga service provider, mga kapartner na entity, at mga archive kung saan kinakailangan ng batas. Kabilang sa mga kasunduan sa paglilipat na ito ang Standard Contractual Clauses na inaprubahan ng European Commission bilang pagsunod sa batas ng EU o iba pang mga sugnay ayon sa kinakailangan ng kaukulang batas (na maaaring ikaw ay may karapatang suriin kung makikipag-ugnayan ka sa amin gamit ang impormasyon sa dulo ng Pabatid na ito).
8. Paano namin iniingatan ang personal data?
Gumagamit kami ng mga teknikal at organisasyonal na mga hakbang para protektahan ang personal data na natatanggap namin laban sa pagkawala, maling paggamit, at di-awtorisadong pagbabago at para protektahan ang pagiging kumpidensyal nito. Regular naming nirerepaso ang aming mga palakad sa seguridad at pinag-aaralan ang pinakamagagandang teknolohiya sa seguridad at mga pamamaraan. Gumagamit din kami ng kasalukuyang encryption technology para i-encrypt ang pagpapadala ng datos sa aming mga log-in page. Gayunman, dahil hindi namin magagarantiyahan ang lubos na seguridad ng mga encryption technology na ito, mag-ingat lamang sa pagsusumite ng personal data online.
9. Gaano katagal namin itinatago ang personal data?
Itinatago namin ang nakolektang personal data, pati na ang impormasyong nakolekta gamit ang Website at iba pang mga isinumite, sa loob ng sapat na panahon para matupad ang mga layunin ng pagpoproseso na binanggit sa itaas. Pagkatapos ay ina-archive namin ito ayon sa hinihingi ng batas. Kapag hindi na kinakailangan ang pag-archive, tinatanggal namin ang personal data mula sa aming mga talaan sa loob ng panahon na hinihingi ng kaukulang batas, maliban sa limitadong impormasyon sa historical profile at personal data na iniingatan bilang bahagi ng permanenteng mga genealogical record o tala ng kasaysayan.
10. Paano mo maa-access at maitatama ang iyong personal data?
Sinisikap naming mapanatili ang katumpakan ng personal data at umaasa kami na titiyakin mong kumpleto at tumpak ang iyong personal data at anumang Living Data na isinusumite mo. Maaari kang humingi ng access sa iyong personal data at i-verify, itama, ayusin, o i-update ito, at limitahan ang pag-share ng iyong personal data sa pamamagitan ng registration na partikular sa mga website, gamit ang iyong profile, o gamit ang iyong Church Account, kung angkop. Para rebyuhin ang mga opsiyong ito, bisitahin lamang ang mga setting ng FamilySearch Account mo dito.
Depende sa hurisdiksyon kung saan ka naninirahan, ang proteksyon ng consumer o mga batas sa privacy ay maaaring magbigay sa iyo ng karagdagang mga karapatan tungkol sa paggamit ng iyong personal na impormasyon. Maaari kang makipag-ugnayan sa amin upang magamit ang karagdagang mga karapatan sa batas gamit ang impormasyong ibinigay sa ibaba. Maaaring kabilang sa gayong mga karapatan ang:
- karapatang mabigyan ng kaalaman, kabilang na ang pagkuha ng kopya ng personal data na hawak namin tungkol sa iyo;
- ang karapatang ma-access at tanggalin ang personal data;
- ang karapatang itama ang personal data;
- ang karapatan sa data portability; at
- ang karapatang hindi na gawin ang karagdagang pagproseso, o gawan ng restriksyon ang pagproseso.
Ang eksaktong saklaw ng mga karapatang ito ay maaaring mag-iba ayon sa hurisdiksyon. Mangyaring makipag-ugnayan sa amin tungkol sa anumang mga katanungan o upang magamit ang mga karapatang ito.
Maaari ka ring magkaroon ng karapatang magsampa ng reklamo sa isang supervisory authority, depende sa kung saan ka nakatira.
Kung ang ibang user ay nagpoproseso o nagse-share ng iyong personal na impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan sa user na iyon upang hilingin sa kanya na tanggalin o itama ang anumang personal data na isinumite o nai-share niya tungkol sa iyo. Ang bawat user ay responsable sa sarili nilang pagproseso ng anumang Living Data na kanilang isinusumite o ibinabahagi sa Website tungkol sa ibang tao. Maaari mo rin kaming direktang maabot gamit ang contact information na ibinigay sa ibaba at maaari kaming tumulong sa pagwawasto o pagtatanggal ng iyong personal na impormasyon kapag hihilingin mo.
Kung nakararanas ka ng mga problema sa pagbabago, pagtatanggal, o pag-update ng iyong personal data, maaari mo kaming kontakin tulad ng iminumungkahi sa bandang dulo ng Pabatid na ito.
11. Mga petsa ng pagpapatupad at mga pagbabago.
Ang Pabatid na ito ay ipatutupad simula Enero 14, 2025, at maaaring baguhin paminsan-minsan.
12. Kontakin kami.
Ang mga tanong tungkol sa Pabatid na ito o sa seguridad ng personal data na ipinoproseso namin ay maaaring ipadala sa pamamagitan ng aming website, fax, o koreo:
Website: FamilySearch.org/dataprivacy
Fax: +1-801-240-1187
Mail: FamilySearch Data Privacy Office
50 E. North Temple Street
Salt Lake City, UT 84150-0005
USA
Kung nakatira ka sa loob ng European Economic Area, maaari kang makipag-ugnayan sa kinatawan ng GDPR Art. 27 ng FamilySearch sa pamamagitan ng koreo o email:
Mail: IITR Cert GmbH
Eschenrieder Str. 62 c, D-82194
Gröbenzell, Germany
Email: privacy@FamilySearch.org