Mga Tuntunin at Kondisyon sa Text Messaging
Na-update 2021-08-31
Deskripsyon ng Programa
Ang FamilySearch ay mayroong text messaging services para makatanggap ka ng impormasyon tungkol sa iyong mga ninuno at ng makatutulong na mga balita at tips. Maaari kang makatanggap ng mga record hint, mga bagong tuklas na impormasyon tungkol sa iyong mga ninuno kung mayroon, o makatutulong na mga balita, tulad ng mga bagong talaan o tips sa genealogy. Kapag nag-opt in ka, tatanggap ka ng confirmation message mula sa FamilySearch.org. Maaaring iba-iba ang dalas ng pagpapadala ng mga mensahe. Sa pag-sign up, kinukumpirma mo na ikaw ay lampas na sa edad na 13.
Halaga
Ang FamilySearch.org ay hindi naniningil ng anumang bayad para sa pagsali sa mga text alert. Gayunman, maaari kang singilin ng iyong wireless provider ng message at data rates. Maaari kang singilin ng message at data rates para sa anumang mensahe na ipadadala namin sa iyo at ipadadala mo sa amin. Kung may mga tanong ka tungkol sa iyong text o data plan, pinakamainam na kontakin ang iyong wireless provider.
Impormasyon tungkol sa Pag-Opt Out
Maaari kang mag-unsubscribe mula sa message service na ito anumang oras sa pamamagitan ng pag-reply ng STOP. Tulad ng kahilingan mo, hindi ka na makatatanggap ng anumang text message mula sa FamilySearch.org.
Makatutulong na Impormasyon
Para sa karagdagang impormasyon, magtext lang ng HELP, at makatatanggap ka ng reply na may contact information.
Mga Carrier
Hindi available ang MMS sa lahat ng carrier. Ang mga error message na access denied at service unavailable ay kadalasang dahil sa spam blocking features na pinagana sa bawat phone line. Kontakin lamang ang iyong wireless provider tungkol sa gayong mga error. Tandaan na ang mga mobile carrier ay hindi mananagot sa pagkaantala o hindi naipadalang mga text message. Ang ilang carrier ay maaaring magpadala ng mga mensahe gamit ang isang short code o espesyal na numero ng telepono na dinisenyo para sa mataas na throughput, two-way messaging.
Privacy
Kung may mga tanong ka tungkol sa privacy, bisitahin lamang ang https://www.familysearch.org/legal/privacy. Ang datos na nakuha sa pamamagitan ng short code program ay hindi ibabahagi sa anumang third party para gamitin sa pagbebenta ng mga produkto.
Tulong at Contact Information
Para sa mga tanong tungkol sa mga serbisyong ibinigay, bisitahin lamang ang: https://www.familysearch.org/help/helpcenter/.