Ang lahat ng tao ay may mga pinakaiingatang retrato ng pamilya na maibabahagi.
Gayunman, napakadaling maitabi lang at malimutan ang mga bago at lumang retrato at kuwento ng pamilya. Ipreserba ang mga ito ngayon para makita pa ang mga ito ng darating na mga henerasyon.
Ano ang bago sa FamilySearch Memories?
Mag-organisa ayon sa paksa.
I-organisa at i-share ang iyong mga paboritong bago at lumang retrato at mga alaala ng pamilya gamit ang Topic Tags. Tutulungan ka rin ng mga ito na matuklasan ang mga kawili-wiling retrato na idinagdag ng iba sa mga paksang gusto mo.
Alamin ang Iba paMag-share ng album.
Magdagdag ng mga alaala sa album, at piliin ang pinakamagandang pagkakasunud-sunod. Pagkatapos ay i-share ang album sa iba sa malalaking social network o sa shared link.
Patuloy na masiyahan sa pinakasikat naming mga feature.
Lagyan ng bookmark ang mahahalagang alaala.
Magdagdag ng anumang alaala o shared album sa FamilySearch sa listahan ng iyong mga Bookmark, na isang koleksyon sa Gallery. Simpleng paraan ito para madaling matuklasang muli ang mahahalagang alaala ng pamilya na ibinahagi ng iba.
Alamin ang Iba paHayaang makita ang iyong mga alaala.
Idagdag ang person tag sa isang ninuno sa isang retrato, dokumento, kuwento, o audio recording para mai-share agad ang alaalang iyon sa iba pang mga kamag-anak sa profile page ng ninuno sa Family Tree.
Alamin ang Iba paIlagay sa isang lugar ang inyong mahahalagang alaala ng pamilya at masiyahan.
Nasa Memories Gallery ang lahat ng mahahalagang retrato, kuwento, dokumento, at audio recording ng pamilya na ligtas na maise-save at maise-share sa iba pang mga kapamilya.
Alamin ang Iba paItala kaagad ang mga pangyayari sa kasaysayan ng pamilya
Hindi mo alam kung kailan ka makaririnig o makakakita ng isang nakatutuwa o nakaaantig na kuwento o retrato ng pamilya. Maghandang gamitin ang FamilySearch Memories mobile app. Madaling paraan ito para ma-capture o makuhanan ang mga bago o lumang retrato ng pamilya gayundin ang mga pamanang dokumento at mga kuwento na may audio.
I-save ang mahahalagang alaala bago mahuli ang lahat. Ang maraming henerasyon ng iyong pamilya ay magpapasalamat sa iyo.
Ipreserba at i-share ang mga alaala ng inyong pamilya. Gumawa ng account
o mag-sign in kung mayroon ka nang account.


