Paghahanda sa mga Bata at Kabataan para sa Masasayang Karanasan sa Templo

“Habang inoobserbahan namin ang mga kabataan na gumagawa ng family history, napansin namin na halos agad-agad silang nakaranas ng kagalakan at dagdag na kumpiyansa … Ang family history ay may dalang nakapagpapagaling na impluwensiya at pagpapatibay na ang bawat tao ay mahalaga sa mata ng ating Ama sa Langit.”—Pangulong Dallin H. Oaks, 2018 RootsTech Family Discovery Day

Pagpapatatag ng Saligang Nakasentro kay Cristo

Paano matutulungan ng mga lider at mga magulang ang mga bata na magiging 12 taong gulang na maghanda para sa mga ordenansa at tipan sa templo

Ang mga magulang at lider sa Primary ay maaaring regular na magturo ng mga alituntuning matatagpuan sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin na angkop sa paghahanda para sa templo (Appendix A; Appendix B).

Tinutulungan ng mga magulang ang kanilang mga anak sa pamamagitan ng paggamit ng Mga Ordenansang Handa nang Isagawa para makatanggap ng pangalan ng kapamilya at makapagdagdag ng impormasyong nalalaman nila sa FamilySearch.org.

Ang mga magulang at lider ay nakikibahagi sa Temple and Priesthood Preparation meeting kasama ng mga bata.

Tingnan ang Buong Resouce Document

Family Name Assist para sa mga Kabataan

Alamin kung paano mabilis na tulungan ang mga kabataan na magdala ng kanilang sariling mga family name card sa templo habang iniiwasan ang mga problema sa mga username at password.

Magsimula

Mga Video na Makakatulong

Matuto mula sa mga halmbawa sa tunay na buhay ng mga miyembro ng Simbahan sa Los Angeles, California, USA.

Ang karanasan ng mga kabataan—sa kanilang sariling salita

Tinatalakay ng mga bata at kabataan sa Los Angeles, California ang mga aktibidad na humantong sa kanilang unang pagbisita sa templo para magsagawa ng mga proxy na binyag at kumpirmasyon.

Panoorin Ngayon

Payo mula sa mga magulang at lider

Tinalakay ng mga magulang at lider ng mga kabataan sa Los Angeles, California ang mga paraan kung paano nila natulungan ang mga bata na maghanda para maging masaya ang una nilang pagbisita sa templo.

Panoorin Ngayon