Mga Sikat Kong Kamag-anak:

Baka Sikat ang Iyong Pamilya!

Alamin kung may kaugnayan ka sa mga celebrity, maharlika, o sikat na tao sa kasaysayan. Maaaring ang inyong kaugnayan ay higit pa sa pagkakaroon ng parehong apelyido—maaaring talagang bahagi sila ng iyong angkan.

Tuntunin ang iyong kaugnayan sa mga dakilang tao!

Makadama ng Personal na Koneksiyon sa Kasaysayan

Alamin kung paano ka nauugnay sa nakaraan sa pamamagitan ng pagtuklas sa kaugnayan ng iyong pamilya sa mga bantog na lider, imbentor, artista, at iba pang mga pambihirang indibiduwal.

Gawing Mas Kapana-Panabik ang Family History

Bigyang-buhay ang iyong family tree sa pamamagitan ng paghahanap ng mga koneksiyon sa mga sikat na tao mula sa kasaysayan—na gagawing mas personal, kawili-wili, at di-malilimutan ang iyong pagsasaliksik.

Ibahagi sa mga Kapamilya at Kaibigan ang Kawili-wiling Impormasyon

Sorpresahin ang mga mahal mo sa buhay ng mga nakamamanghang impormasyon—tulad ng kaugnayan sa isang hari, manlalakbay, o celebrity—at masiyahan sa mga kuwentong mula sa iyong pamana.

Alamin ang Maraming Paraan para Magsaya sa mga Kuwento ng Iyong Pamilya

Tingnan ang iba’t ibang kawili-wiling aktibidad na idinisenyo para matulungan kang maranasan ang hiwaga ng family history.