Mag-alok ng Mas Maraming Content nang Libre
Maging FamilySearch Affiliate

Magdagdag ng access sa mahigit 2 bilyong digitized na dokumento ng kasaysayan na available lamang sa mga lokasyon ng FamilySearch.

Lalaki na nagsasaliksik sa isang library

Mahahalagang Benepisyo

Bilang isang affiliate, makapag-aalok ka sa mga bibisita sa inyo ng awtomatikong access sa mahahalagang mga serbisyo.

Mga Libreng Online Tool

Ang FamilySearch ay nagbibigay sa mga bumibisita sa inyo ng mga libreng tool at resource para matuklasan, maingatan, at maibahagi ang kasaysayan ng kanilang pamilya.

Eksklusibong Content

Access sa humigit-kumulang 400 milyong larawan na kasalukuyang hindi available sa publiko sa labas ng lokasyon ng FamilySearch.

Mga Special Offer

Ang mga lokasyon ng mga FamilySearch affiliate ay maaaring tumanggap ng impormasyon at mga special offer sa mga produkto at serbisyo na maaaring gusto nila.

Mga Kinakailangan

Ano ang inaasahan mula sa isang affiliate.

Isa o higit pang mga workstation

Kahit isang computer na may access sa internet na nasa isang pampublikong lugar para ma-access ng mga patron ang FamilySearch.org. (Paalala: Ang computer na ito ay hindi kailangang nakalaan lamang para sa paggamit ng FamilySearch.)

External Static IP Address

Isang external static IP address. Kung ang inyong lokasyon ay gumagamit ng mahigit sa isang static IP address o isang static IP address range, mangyaring ibigay ang bawat isa sa mga IP address o IP address range na ito.

Representative

Isang taong itinalaga na tatanggap ng mga komunikasyon mula sa FamilySearch. Kailangan ang pangalan at email address ng contact. Para sa mga tanong, sumangguni sa FamilySearch Terms and Conditions

Affiliate Na?

I-access ang karagdagang mga resource para matulungan ang iyong mga patron at empleyado na magamit ang lahat ng benepisyo ng affiliate program.

I-Access Ngayon

May mga tanong ka ba tungkol sa pagiging affiliate?

Isang Familysearch representative ang makapagbibigay sa iyong organisasyon ng karagdagang impormasyon tungkol sa affiliate program at kung anong mga libreng serbisyo ang magagamit ng mga bumibisita sa inyo.

Mag-Email sa Amin

Mga Bagay na Madalas Itanong

Magdagdag ng access sa iyong mga resource

Humiling na maging FamilySearch affiliate ngayon.