Ang Pagtataguyod ng Simbahan
ng FamilySearch

Pag-uugnay ng mga Henerasyon
Ang ugnayan ng pamilya ay makatutulong sa atin na malampasan ang mga pagsubok ng buhay. Pinopondohan ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ang FamilySearch upang matulungan ang mga tao na makahugot ng lakas mula sa kanilang pamilya—noon, ngayon, at sa hinaharap. Marami ka pang matututuhang mga turo ng Simbahan tungkol sa mga pamilya saComeUntoChrist.org.

Ang Kahulugan Nito sa Iyo
Ang personal na impormasyon at impormasyon tungkol sa pamilya na idinaragdag mo sa FamilySearch ay ginagamit upang matulungan kang tuklasin, ipreserba, at i-share o ibahagi ang kuwento ng iyong pamilya. Hinding-hindi ito ipagbibili sa iba pang mga kumpanya. Ang impormasyon tungkol sa buhay na pamilya ay mananatiling pribado sa iyo, samantalang ang mga detalye sa genealogy ng iyong yumaong mga ninuno ay makikita ng iba pang mga mananaliksik sa community Family Tree.

Pagpapabuti ng Buhay ng Lahat
Ang family history ay maaaring pagmulan ng inspirasyon, kagalakan, pagpapagaling, kalinawan, pakikiramay, at kapayapaan. Umaasa kami na maramdaman ng lahat ng tao sa mundo ang mga ito sa kanilang buhay habang ipinagpapatuloy o lumilikha sila ng mga tradisyon ng pamilya na gumugunita sa kanilang mga ninuno.