Tuklasin ang kuwento ng iyong pamilya sa isang Affiliate Library

Makakatulong ang mga lokal na boluntaryo na simulan ang iyong karanasan sa family history.

Maghanap ng Affiliate
Babae na nagsasaliksik sa isang library
Isang pamilyang Asyano na nakatingin sa mga aklat sa isang affiliate library

Ano ang affiliate library?

Libu-libong affiliate library ng FamilySearch ang tumutulong na magamit ng milyun-milyong patron sa buong mundo ang mga serbisyo ng FamilySearch. Ang mga affiliate library ay nagbibigay ng access sa mga digital genealogical collection ng FamilySearch na maaari lamang ma-access sa isang FamilySearch center.

Ang mga lokal na affiliate library ay maaaring isang pampublikong library o library ng isang kolehiyo, archive, museo, cultural center, o genealogical o historical society.

Maghanap ng Isang Lokasyon

Anong mga mga resource ang available sa akin?

Ang mga affiliate library ay may iba-ibang iniaalok na serbisyo, pero kadalasan kabilang dito ang:

  • FamilySearch limited access historical records
  • Lokal na tulong sa pagsasaliksik mula sa kanilang staff
  • Mga klase sa family history
Alamin ang Iba pa
Isang babae na nakaupo sa may mesa sa isang library, nakangiti at nakatingin sa computer.
Lolo at apo na nakatingin sa mga retrato ng kanilang mga ninuno.

Paano ako maghahanda para sa isang pagbisita?

Rebyuhin ang nalalaman mo tungkol sa iyong mga ninuno, at pagkatapos ay magpasiya kung anong aspekto ang pagtutuunan mo. Magtipon ng impormasyon tungkol sa iyong pamilya na mayroon ka sa inyong tahanan sa pamamagitan ng pagtatanong sa iyong mga kapamilya.

Para makita ang mga talaan ng kasaysayan na may limitadong access sa FamilySearch at sa affiliate library, kailangan mo ng libreng FamilySearch account. Kung wala ka pa nito, maaari kang mag-sign up ngayon.

Gumawa ng Libreng Account

May mga lokasyon sa buong mundo.

Maghanap ng affiliate library o FamilySearch center na malapit sa inyo.Ano ang mahahanap mo rito?